Sa Iyong Paglisan

Posted: September 28, 2004 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: , ,

sa gitna ng dilim, ako’y nag-iisa
iniwanang puno ng lungkot at dusa
pilit na bumangon sa nadamang sakit
tanging iniisip, dahilan kung bakit

ang dating ligaya’y naging lungkot na rin
pangakong iniwa’y nakasakit lang din
ang huling hiling ko’y di mo na dininig
narito ako ngayon, puno ng ligalig

ang dating kasangga’y naglaho, nawala
ako’y di man lamang nabigyang babala
ang makasama ka’y isa nang pangarap
nalayo ka sa ‘kin, sa isang iglap

sa iyong paglisan, hindi ko nasabi
halaga mo sa ‘kin, pilit itinabi
kung alam mo lamang lihim na pagsinta
gagawin mo kaya, sa ki’y lumisan pa?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s