Masarap Magmahal, Mahirap Masaktan

Posted: October 11, 2004 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: ,

ano bang nakukuha natin kapag nagmamahal tayo? ano bang dahilan natin para magmahal? tayo ba’y nagmamahal dahil yun ang nararamdaman natin para sa taong iyon? o nagmamahal tayo dahil yun ang tawag ng panahon?

marami na ang nasaktan dahil sa pagmamahal na yan! buong loob kong sasabihin na isa ako sa mga yun. isa ako sa mga nagmahal. nagmahal ako ng lubos. pero nasaktan lang din ako.

masarap magmahal. nakakakilig kapag nakakarinig ka ng mga “sweet” na salita. . . kapag naririnig mong sinasabi nya sa iyo na mahal ka nya. pero hindi ba mas maganda kung nararamdaman mo rin?

mas masarap kapag nararamdaman mo yung pagmamahal na nararamdaman nya para sa’yo. yung tipong, alam mo kung ano man yung dapat mong malaman. alam mo kung saan ka nakalugar. pag nagmamahal ka kasi, nandun yung ligaya. lalo na kapag nararamdaman mo ang halaga mo sa kanya.

pero, pano kung ang pagmamahal na nararamdaman nya sa yo ay isang kasinungalingan??? just an ephemeral feeling you believed to be real? masaya ka pa rin ba? hindi na, di ba?

kapag nasaktan ka na, mahirap kumawala. iba’t ibang emosyon ang maaari mong maramdaman. nandyan, ang magalit ka, umiyak, magsisi, at maghinayang. minsan, talo ka pa kung yung galit ang pinairal mo.

sabi nga nila, move on.

but moving on is difficult. lalo na kung you’ve shown that person who you really are. ang hirap tanggapin na yung pinagkatiwalaan mo ng iyong buong pagkatao ay nagawa kang saktan. how could you move on when you know you left a part of you to that person?

mas mahirap kung huli na ng malaman mo kung ano ka lang sa kanya. mahirap kung nagago ka.

mahirap kung malalaman mong iba ang totoong ugali nya. masakit dahil youve gambled for the wrong love. tama?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s