Lipas Na…

Posted: March 5, 2005 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: ,

kanina naisipan kong ayusin lahat ng mga notebook ko… inisa isa kong tingnan kung ano sa mga istoryang nasa isipan ko ang tapos na at hindi… isa-isa, binasa ko… isa-isa, inaalala ko yung dahilan, rason, para kanino, at para saan yung mga sinulat ko…

madami dami na rin akong nabasa nung mabaling ang tingin ko sa isang gawa ko na nilaan ko para sa kanya. oo… sa kanya… sa kanya na naging dahilan ko upang muling maging isang tanga. oo tanga. nakakatuwa, di ba?

heto un…:

***********************

tulala. nag-iisip. ganyan ako madalas. ikaw kasi e. bigla kang dumating. gusto kong isisi sa’yo lahat. gusto kong magalit sa’yo. sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin sa’yo. ‘yun nga lang, hindi ko alam kung san ako magsisimula.

simulan ko kaya sa gitna? sa dulo? ay… di pa pala pwede. dahil hanggang ngayon, wala pang dulo. wala pang nararating na iba…

magulo, di ba? ganyan naman kasi tayo eh. magulo. sobrang gulo. nagsimula pero hindi umuusad. nung una, inisip kong “taking time is the right thing to do”. nung una, masaya ako. nung una, naaaliw ako… nung una lang yun. matagal na rin tayong ganito eh. nagsasawa na rin ako. ‘yung pagkaaliw ko, napalitan ng pagka-inip. ‘yung kasiyahan ko, napalitan ng pagka-asar.

alam mo, naguguluhan na ako. nalilito na ako. di ko na alam ang gagawin ko. alam ko kasi, mahal na kita. alam ko ring para sa akin, importante ka… di ko lang alam kung hanggang kailan. ramdam ko kasing malapit na ako sa dulo. malapit na akong bumitaw…

oo, bumitaw. pakiramdam ko kasi, pagdating sa’yo, daig ko pa ang nakabitin sa isang matarik na bangin.

***********************

hanggang diyan lang nagawa ko. hindi ko na nagawang tapusin. bumitaw na kasi ako. napagod na ako sa kakahintay… mahirap atang mahulog ng walang sumasalo. mahirap kumapit ng walang kinakapitan…

ang nagawa kong yun ay pruweba na lamang ng isang lipas na damdaming di na nagawang suklian… sad

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s