Isang Bukas

Posted: May 15, 2005 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: ,

nakita kita kanina… masaya, nakangiti… ewan ko kung bakit, pero tila may kurot sa aking damdamin. parang masakit sa akin ang makita kang masaya.

sinubukan kong lumayo sa’yo. sinubukan kong sundin ang ipinayo mo. nakakapagtaka, kahit anong landas man ang piliin ko… ikaw palagi ang nasa dulo.

nung una, sinubukan kong ayusin pa ang gusot. nung una tayong magtagpo pagkatapos nating magkalayo, kinausap pa kita. nilingon mo lang ako, nginitian. pagkatapos, nawala kang muli. hindi na kita hinabol dahil alam ko, sariwa pa rin ang sugat na iniwan ng kahapon.

mahirap palang ibalik ang nakaraan. napatunayan ko yun nung ilang beses din tayong nagkita… nag-usap… nag-iwasan… sadyang matagal maghilom ang sugat na iniwan sa puso.

ngayong muli kitang nakita, hindi na ako lalapit sa’yo. hindi ko na susubukang muling ibalik ang kahapon. sabi mo nga, nakalipas na iyon. bukas… yun ang meron ako…

tama ka. meron akong bukas… hindi ko na dapat ibalik ang kahapong lumipas na. dapat ko nang harapin ang bukas… isang kinabukasang wala ka…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s