Untitled

Posted: July 4, 2005 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: ,

ang daya mo. iniwan mo na naman ako. nangako ka pang babantayan mo ko, di mo naman pala tutuparin. lagi ka na lang ganyan. mga pangako mo lang ang pinanghahawakan ko.

sabi mo, tutulungan mo ko. sabi mo, di mo ko papabayaan. eh nasaan ka na ngayon? di mo ba alam na ngayon kita kailangan? di mo ba alam na mas kailangan kita ngayon?

tuwing nadadapa ako, tinutulungan mo kong bumangon. pag malungkot ako, ikaw ang nagpapatawa sa akin. ikaw yung nagbabalik ng ngiti sa labi ko. ngayon, sagutin mo ko. paano ako babangon? paano ako ngingiti?

pag andyan ka, ang dami kong kayang gawin. mas madaling abutin lahat ng pangarap ko. kapag alam kong nasa likod lang kita, parang lahat ng bagay kaya kong harapin. ngayong wala ka, kahit simpleng bagay lang, nakakasakit na…

sa tulong mo, nagawa kong makita ang mga bituin sa lupa, sa pagtitiyaga mo, natuto akong tingnan ang mga bagay-bagay ng higit pa sa nakikita ng mga mata,

ngayong iniwan mo na ko, paano ako magiging matatag? wala nang magpapalakas ng loob ko. pilitin ko mang sabihin sa sarili ko na kaya ko, na andyan ka pa rin sa tabi ko, nahihirapan ako. siguro kakayanin ko kung nakapaghanda ako sa pag-alis mo. siguro kaya ko kung di naging biglaan yung pagkawala mo.

kinuha ka na nga nya agad sa akin, di ko man lang nagawang magpaalam sa’yo. i wasn’t even able to see you for the last time. just when i found someone i could share my world with, god took him away.

sana andito ka… sana gawin mo pa rin yung mga bagay na madalas mong gawin…

sana, bukas o makalawa, magising ako sa bangungot na ito. sana, gisingin mo ako…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s