Nag-Aalab na Tubig

Posted: May 20, 2008 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: , , ,

Mahirap maging palaisip. Lahat kasi ng bagay, gagamitan mo ng utak. Kahit mga bagay na dapat puso na ang mamimili, utak pa rin ang gamit ko.

Dati inisip kong di na ako mahuhulog ulit. Ilang beses na ba kasi akong nasaktan? Ilang beses na ba akong nabigo? Kaya nga tumagal na ng dalawang taon akong nagsosolo.

Pag solo kasi, magagawa ko lahat ng gusto ko. Inom, yosi… gimik… Mamasyal mag-isa. Manood ng mga tao… Magwala. Dahil mag-isa lang ako, walang pwedeng magdikta ng gagawin ko.

Pero nung dumating siya, tila muling nag-alab ang mga damdamin kong katulad na ng tubig: dumadaloy.. walang sariling porma.

Ginulo niya ang tahimik kong mundo. Ginising nya ang mga damdaming inakala kong wala na ako..

Pero gaya ng mga nauna, nawala na rin siya. Para bang pinatunayan lang sa akin na tao pa rin akong pwedeng mahulog, magmahal..

Muli na namang nag-alab ang tubig.

Kasunod nito ang muling pagyelo ng mga damdamin…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s