suspension 101

Posted: June 12, 2009 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: , ,

masarap pala ang mabakasyon sa trabaho.

dahil sa suspension ko, natapos kong basahin yung ilang libro ko na matagal ko ng nabili. bukod dun, nagawa ko ring i-update ang blogs ko… lol

2 araw ang suspension ko. sa 2 araw na yun, madami-dami naman akong mga nagawa. nakapag-focus ako sa training ko. nakapagsulat akong muli. pati ang kitain ang mga long lost friends ko, nagawa ko din.

sa susunod na masuspend ako (yun ay kapag naibaba na yung 3day suspension ko), ito naman ang mga gagawin ko:

1. tatapusin yung isa sa mga likha kong istorya. madami kasing di na nakaalis sa gitna.

2. lilinisin ko yung kwarto ko. ibig sabihin, magbabawas na ako ng mga memento o di kaya papalitan yung mga naka-display. dahil sa pagiging pack rat ko, lahat na lang itinago ko..

3. ipa-polish ko yung dagger collection ko… at kukulitin ko yung ilang kaibigan ko na ibalik na nila yung mga daggers kong hiniram nila…

tama na muna yung 3… isang gawain kada araw na suspended ako sa trabaho…

sa totoo lang, di ako natutuwa sa pagkakasuspindi ko… e ano namang choice ko? kesa magmukmok, e di gawin na lang kapaki-pakinabang yung mga araw, di ba?


 


 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s