Bilin

Posted: July 5, 2009 in About Me
Tags: , , ,

Spoiled ako at aminado ako dun. Dahil nga sa nasanay akong nakukuha lahat ng gusto ko, at kumilos ng wala sa edad ko, madalas akong pagbilinan ng kung anu-ano… Sa dinami-dami ng mga bilin na yun, ang mga sumusunod lang ang nag-iwan ng mga marka para sa akin sad

  1. “Things will be better in the morning” – Masarap isipin to lalo na kung problemado ka.. Sa gulo ng mundo ko, madalas akong sabihan ng ganito ng mga tropa ko. Pero di ko ito makakalimutan hindi dahil madalas itong sabihin sa akin. Madalas kong maalala ito dahil ito ang huling salita ni Mikail bago siya umalis..
  2. “Walang pipigil sa’yong umiyak. Gawin mo kung sa tingin mo’y makabubuti ito sa’yo” – Hangga’t maaari, ayokong ipakita ang kahinaan ko. Sa sandaling mapuno ako ay daig ko pa ang isang erupting volcano (I scream, I shout, I punch walls)… Simula nung natuto akong umiyak tuwing gabi (sa sulok ng aking kwarto), mas magaan ang pasok ng umaga.. parang bawat patak ng luha ay inilalabas ang anumang problema ko sa gabing yun…
  3. “Kapag di ka na masaya sa isang bagay, pakawalan mo na. Kapag pinilit mo pang hawakan yan, ikaw lang ang masasaktan at mahihirapan” – Dahil dito, sa sandaling maramdaman ko ang lungkot/galit para sa isang tao, lugar o pangyayari, iniiwasan ko ito. Hindi dahil duwag akong harapin sila ha.. Di ko lang makita ang sense ng pag-stay sa isang bagay na di naman nakapagdudulot ng saya..
  4. “One Satanic Rule: Don’t open your mouth when you have nothing good to say” – Ayan, eto ang isa sa pinakamahirap na sundin.. Lalo pa nga’t malakas akong mambasag, mangantyaw or manlait.. *hehe* Kahit sabihing Satanic Rule siya, may bahid naman ng katotohanan ang pahiwatig nya.

Ayan, ilan lamang yan sa mga laging ipinagbibilin sa akin… Tipong araw-araw, merong isa jan na laman ng text message sa akin.. Nakakatawa pero I’m starting to love ’em. Everyday guide na yung mga bilin na yan e.. *lol*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s