Kagabi, sa Bar

Posted: August 28, 2009 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: ,

Panggabi ang schedule ko sa resto-bar kung saan ako nag-o-OJT. Habang naghihintay ng trabaho, tumatambay kami sa likod nung bar, open area, kita lahat ng tao sa paligid. Habang humihithit ako ng yosi, tinawag kami nung isa naming kasamang lalaki. Apparently, he was watching yung eksena sa labas ng bar, dun malapit sa ilog.

Mag-syota. Nagtatalo. Naglalakad sila tapos biglang tumalikod at tumakbo yung babae. Naka-heels s’ya na pwedeng dahilan kung bakit mabilis siyang naabutan nung lalaki. Hinatak nung guy si girl, sinampal ni girl si guy. And the next thing we saw was the guy slapping the girl back.

Grabe yun, parang kami mismong nanonood nung eksena ay hindi makapagpigil. Gusto nga nung mga kasama kong lalaki na bumaba ng bar at puntahan yung mag-syota. Kitang-kita kasi namin kung paano hatak-hatakin at tila ibalibag nung lalaki yung babae. The girl tried to fight back but the guy pinned her to a cement post. Yun nga lang, mapapagalitan kami. Naka-duty pa kasi kami e. Wala rin yung isang guard na nagroronda sa lugar.

Bakit kaya may mga babaeng natitiis yung pananakit ng mga jowa nila? Di pa nga sila kasal, nagagawa na siyang saktan, what more pa kapag tumuloy dun di ba? Naaawa ako sa babaeng yun kagabi. Pero nawala yung awa ko nung nakita kong magkaakbay pa silang umalis kagabi. Parang walang nangyaring sakitan… Tsk. Tsk.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s