Takot Ako

Posted: September 10, 2009 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: ,

May kinakatakutan pa rin talaga ako. Akala ko, unti-unti kong mahaharap lahat ng takot ko. Hindi pala. Hindi pala lahat ng takot ay dapat harapin. May ibang kailangang ipagpaliban muna.

Takot ako sa pusa. Dati, makarinig lang ako ng “meow” nito, natitigilan ako. Kapag may dumaan sa harapan ko, napapahinto ako. Hanggang ngayon, ganun pa rin. Pero ngayon, kaya ko ng dumiretso kapag nakakita ako nito. Naaalis ko na ba ang mga takot ko sa pusa? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Siguro, ayos lang sa akin ang makita o makarinig ng huni niya. Wag lang siyang lalapit, ibang usapan na yun.

Takot din pala ako sa dugo. Hematophobic ako. Ito ang rason bakit hindi ako sa larangan ng medisina kahit gusto ko yun. Makakita lang ako ng dugo, hinihimatay ako… Kahit nga nung naglaslas ako, mainit sa pakiramdam ang paglabas niya sa aking katawan… pero nung nakita ko na ang dugo ko sa sahig, hinimatay ako. Huling pagtatangka, pasko ng taong 2002…

At ang isa sa nakapagdudulot sa akin ng matinding takot? Hindi hayop, bagay, o pangyayari. Sa katunayan, muli akong sinasaniban ng takot. Bumalik kasi siya. Siya na ilang beses ko nang iniwasan at tinaguan. Muling nauulit ang siklo naming dalawa.

Kung hanggang kailan itong takot ko, wala akong ideya. Ayoko siyang harapin. Masyadong masakit at nakakatakot ang mga nagawa niya dati sa akin.

Kung bakit pa kasi nangyari yun, di sana, kaibigan ko pa rin siya hanggang ngayon. Di sana ako tulad sa isang daga na kung saan-saang lungga pumapasok.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s