Ang Bagyo

Posted: September 29, 2009 in About Me, Filipino (Tagalog) Posts
Tags:

Ang tagal bago ako nakapag-internet ulit. Sabado ng umaga hanggang hapon, online ako. Sa labas, ang lakas ng ulan. Pero ako, wapakels lang. Kasi naman, normal na ata ang pag-ulan dito sa ‘Pinas. To think na ito ay isang tropical country daw.

Kasama ko nun si Mama at ang bunso kong kapatid. Nood lang sila TV habang ako eh busy sa kaka-FB, YM, at IMVU. *lol* Tapos biglang namatay ilaw. Ako naman, iniisip na magba-brownout na sa amin. Pero dahil di naman namatay computer, ayon, tuloy lang.

Mag-a-alas tres ng hapon, kumulog ng malakas. Biglang nagring yung telepono namin. Bigla ring nag-shutdown si PC. May 2 o 3 segundo rin kaming nawalan ng kuryente. After nun, balik ulet. Pero, di na ako nagbukas ulit ng PC. Pinagagalitan na kasi ako ni Mama e.

Pagkatapos nun, katakot-takot na text brigade na. Di ko kasi namalayan na tumaas na pala tubig-baha sa paligid ng Marikina at sa mismong lugar kung saan ako nag-o-OJT.

Maya-maya, ang kapatid kong Nursing student sa Central Colleges of the Philippines ay nag-text na. Di na raw siya makakauwi. Pinag-i-stay sila sa school kasi baha na sa labas ng school. Wala na raw silang way para makaalis.

Sa sobrang lakas ng bagyong si Ondoy, nagbaha sa may CCP. Di lang pala dun yung baha. Ang lakas din daw ng alon ng pinagsamang tubig-ulan at putik sa Marikina, Cainta, Tanay, San Mateo at Montalban. First time ito kasi usually, Marikina lang ang binabaha gawa ng ilog. Pero ngayon, naku! Pati mga lugar na akala ko mataas e may rumaragasang tubig at putik.

Kinabukasan pa nakauwi kapatid, pinsan at uncle ko. Nakatulog na rin kasi ako nung gabi gawa ng pati cable namin e wala… Uy, hanggang ngayon pala wala pa rin kaming CABLE.. Ito talagang Destiny Cable oh.. Tsk.. tsk..

Nung bandang tanghali, pinakwento ko sa kanila yung experience nila. Si Uncle Tam ko mula Katipunan hanggang bahay ang nilakad niya. Take note, yung lakad na yun e may kasamang langoy. Kasi ba naman, stranded sila sa may Katipunan. At ang taas ng tubig baha. Pati tulay e inabot ng tubig. Ang kwento pa nga nya, nakahawak lang daw sila sa lubid para makatawid. Meron din daw matandang may kasamang mga bata ang humawak sa likod nya. Pero nung nakababa na siya sa tulay, wala na yung matanda at mga bata. Sana di sila kabilang sa napahamak… Kawawa naman kasi.

Yung pinsan ko naman, na-stranded sa Sta. Lucia East Grand Mall sa may Cainta. Nung una, nagkasundo daw silang suungin yung baha. Pero iniwan siya nung mga kasama niya. Maya-maya, yung mga kasama niya, nagtetext na, nagpapa-rescue. Sobrang lakas daw nung tubig. At yung isang kasama nilang babae, tinangay ng agos, di nila alam kung ano na nangyari.

Ang kwento naman ng kapatid ko, pinatulog sila sa classroom. Pero nung maliwanag pa, nakita nila yung pinapakita sa news.. Yung sa UERM na doktorang hinagisan ng lubid kasi tinangay ng agos nung lumabas siya sa bintana ng kotse nyang nasa baha na..

Katakot talaga yung weekend na yun. Di naman kasi ako palalabas ng bahay e. Kanina, may pinuntahan ako. Sa ayaw at gusto, dadaanan ko yung mga lugar na binaha. Mula sa bintana nung shuttle van, kitang-kita ko yung kapal ng putik sa daan, mga upuan, lamesa, mga papeles sa bangko at kung anu-ano pang mga kagamitan na nakabilad sa araw, nililinis, o di kaya ay itatapon na.

Ang tindi talaga nung Bagyong Ondoy. Sana makita yung mga nawawala pa. Sana rin nasa maayos yung mga kaibigan kong nasalanta. As of writing kasi, wala pa akong balita sa ilang friends ko sa Taytay at Antipolo… pati na rin sa mga kaklase kong taga-Tumana. Sana, okay lang sila…

In line with this, please pray for those who were hit by the typhoon and lost not only their stuffs but also their loved ones.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s