Sariling Mundo

Posted: October 9, 2009 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: , ,

May sarili akong mundo.  Yan ang madalas na kumento tungkol sa akin.  Madalas daw kasi akong tahimik.  At tila laging nag-iisip.

Ang di nila alam, ayoko yung naririnig yun.  Una sa lahat, iisa lang ang mundong iniikutan ko at ng mga taong nakapaligid sa akin.  Pangalawa, kung meron nga akong sariling mundo, sana walang nakakakilala sa akin.  Uunahin ko pa bang makihalubilo at makigulo sa mundo ng iba gayong ang “mundo” ko ay tahimik at payapa?

Basta ang alam ko, nanahimik ako kapag nag-iisip.  Nag-iisip ako kapag gusto kong isaayos ang mga plano ko.  O di kaya’y may ideyang pumasok sa isipan ko at kailangang “plantsahin” bago ko iyon isulat.

Kung yung mga rason kong yan ay sapat para masabing mayroon akong sariling mundo, makitid ang pag-unawa nila.

Di lahat ng nananahimik ay ganun.  Isa pa, wala silang karapatang sabihan ako ng ganun dahil hindi pa naman nila napapasok ang mundo ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s