Balaraw

Posted: November 21, 2009 in About Me, Filipino (Tagalog) Posts
Tags: , ,

Iba-iba ng laki… mayroong mahaba, meron ding maikli.  Mayroong mahigit isang talampakan ang haba.  Mayroon ding kasya sa loob ng sapatos.  At gusto ko silang ipunin.

Mahilig ako sa mga balaraw.  Tuwing pasko, wala akong ibang hiling kundi ang may magregalo sa akin ng isa.  Kahit gaano kalaki, pero mas maliit, mas maganda.  Kahit simple lang, kahit magarbo ang disenyo.  Ang mahalaga, paborito ko ang mga balaraw.  May koleksiyon ako ng mga balaraw.

Minsan, nilinis ko sila.  Sa bawat pagpunas ko sa kanilang tanim, naalala ko kung kelan at paano sila napunta sa akin.  Ilang kahon na sila, mahirap na ngang itago e.  Di kasi lahat, kasya sa kahon ng relo.

May nakapagsabi sa akin, ang weirdo ko raw.  Sa dinami-dami kasi ng pwedeng hilingin tuwing Pasko, bakit balaraw daw.  Delikado.  Nakamamatay.  Abnormal lang daw ang mahilig sa mga ganung bagay.

Di ko lang masabi, malalim ang kahulugan ng isang balaraw para sa akin.  Hindi lang siya basta gamit na panghiwa, panaksak, o pamutol.  Dahil sa isang balaraw, natuto akong pagpahalagahan ang buhay at mga tao sa paligid ko.

Sa mga talim nito, makikita mo ang iyong sarili.  Maraming hirap na pinagdaanan para mahulma sa ganong istilo.  Parang tao.  Minsan may kailangang pagdaanang mga pagbabago para gumanda at tumibay.

Ang mga balaraw, hinahangaan sa taglay nilang ganda at disenyo.  Pero may ilang takot sa talim nila.  Parang tao… Karamihan may itinatagong talim sa likod ng magandang anyo.

Higit pa dun, isang athame ang nagmulat sa akin na hindi ko pa panahong mamatay.  Kahit na double-edged ito, di nya nagawang kitlin ang buhay ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s