Drama!

Posted: April 21, 2010 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: ,

Rest day ko ngayon… Kaiba talaga… para sa iba, kakasimula pa lang ng linggo. Pero para sa akin at sa mga kasama ko, katatapos lang ng isang linggong trabaho. Tipong, sa wakas! Natapos din ang isang linggong puro pagsagot ng telepono.

Mahirap pala ang buhay ahente. Bukod sa maiiba ang oras mo, mawawalan ka pa ng social life. Di lang yun, pati body clock mo, apektado!

In fairness, kinarir ko naman talaga siya. Pero sa kasalukuyan, ‘andito na ako sa puntong ayaw ko na talaga. Ha ha ha. Ang daming di ko pwedeng gawin. Madaming bagay na walang kasiguraduhan. Kaya nga sa isang buwan, aayaw na talaga ako. He he…

Bukod sa drama ng pagiging “call center agent” — mga Amerikanong naninigaw, umiiyak, galit na galit, nananakot.. hanggang sa mga super-sweet na “grannies”.. Kada sagot, kailangang ibahin mo rin ang pakikitungo.. Iibahin mo ang istilo ng pagsagot. Minsan firm, bawal panindak, minsan kailangang sweet. Ang hirap mag-adjust! Dahil minsan, sadyang may mga taong mahirap kausap… at dahil di ako sanay sa ganun, 2 beses na akong umiyak.

Ngayong rest day ko, ibang drama naman. Katatapos lang ng ilang oras na laugh trip. Katatapos ko lang magpakaaliw at magpakasawa sa pagpapaligo ng aking atay… Bawat tungga, iniisip ko ang pag-alis.. sa bawat pagbuga ng usok, iniisip ko ang umiyak at idaan dun ang lahat ng nararamdaman kong sama ng loob… Sa huli, nanaig ang kagustuhang kublihan lahat sa tulong ng isang tableta…

Isang ginintuang tableta, isang nakangiting maskara… Mistulang baliw sa pagtawa mag-isa. Ngayon, wala na epekto niya, anong drama na naman kaya ang mangingibabaw?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s