Open Letter Para sa Tatay Ko

Posted: December 10, 2013 in About Me, Filipino (Tagalog) Posts, On Relationships
Tags: , , , ,

Alam naming wala ka nang balak uwian kami ngayong Pasko. Ramdam naman namin na kasama ka man namin ngayon physically, wala sa amin ang puso’t isipan mo.

Paano nga ba tayo umabot sa ganito? Tanda ko nung bata kami, lahat tayo nagsisimba pag Linggo, minsan nga’y nagsi-Simbang Gabi pa tayong pamilya. Pero ngayon, maswerte na kung makapag-sabay-sabay tayong kumain.

Taun-taon, umuuwi ka galling Saudi. Ilang taon na rin simula nung una kang umalis dahil kailangang tustusan mo yung humabol na bunsong kapatid namin… Walong taon na sya ngayon, lumalaking wala ka sa tabi nya.

Itong taon na to, malayo na ang loob naming mga nakatatandang anak mo sa iyo. Kung bakit nagka-ganun, hindi ko sigurado. Nung isang gabi lang, sinabi mo kay Mama na huling taon mo na ito sa amin. Na magpapadala ka na lang ng sapat sa gastusin sa bahay at para sa bunso. Sabi mo, panahon na para isipin mo ang sarili mo.

Oo nga, panahon na para isipin mo ang sarili mo. Lalo na ngayon na merong ibang babaeng nakakapagpasaya kayo.

Hindi kami tanga. Nababasa naming ang mga post ninyo sa Facebook. Ang tawagan ninyong “mahal ko”, ang mga patagong text at tawag na ginagawa mo sa terrace.

Hindi kami tanga, lalong hindi kami manhid. Malayo man ang loob namin ngayon sa iyo, ikaw pa rin ang ama namin. Masakit pa rin para sa amin na unti-unti na naming nararamdaman ang napipintong pagkasira ng pamilya natin.

Alam namin na malaki ang kasalanan namin sayo. Sabi mo nga, wala kaming pagpapahalaga sa mga naipundar mo… na parang wala man lang kaming drive na mabago buhay namin… na karamihan, inia-asa pa rin namin sa iyo.

Pero Papa, naisip mo ba kung bakit kami umabot sa ganito? Natatandaan mo ba kung paano mo kami pagsalitaan? Kung paano mo iparamdam sa amin na anumang gawin namin ay hindi sapat… Minamaliit mo kami. Si Mama na wala na ngayong trabaho, ako at ang mga kapatid kong naging pabaya.

Hindi kami perpekto. Maraming pagkakataong nagpabaya kami. Pero sa tuwing sinisikap naming umahon, gumawa ng bagay na ika-aangat namin, pinapagsalitaan mo kami ng hindi maganda. Dumadating pa sa puntong iniiwasan ka namin dahil alam naming wala kang sasabihin sa amin kundi mura at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Gusto ko sanang sabihin sa iyo na bigyan mo pa sana ng isa pang chance ang pamilya natin… Na subukan nating ayusin… Subukan nating iayos yung pamilya, tutal meron pa kaming nakababatang kapatid. Pero sabi mo nga, bato ka na ngayon… Tapos na ang obligasyon mo sa amin, yung bunso na lang ang iintindihin mo.

Kaya eto, muli kaming gumagawa ng mga hakbang para baguhin ang mundo namin. Sana magawa namin nang tama. Dahil ikaw na sariling ama namin, ay nagawa na kaming sukuan at bumitaw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s