Archive for the ‘Filipino (Tagalog) Posts’ Category

After weeks of waiting, I finally got the result I was waiting for.

LET results were released this morning and I am fortunate to be one of the passers in the recently concluded September 2016 board exam for teachers.

I am happy, ecstatic… and thankful.

From being a person with no self-belief, who doubts her own capabilities, I managed to pass the board exam in just one take.  Today is a testament of what I can do — I just have to believe in myself, and always work hard.

One life goal was realized today… and I still have a lot of goals to cross out… in the coming days, weeks, even years.

But today, it’s just a day for happiness… A day to be thankful… a day to celebrate in my own little way.

I am thankful of this blessing from above… thankful for having people who supported and believed me when I doubted myself… I am thankful to everyone who helped me and provided me with the confidence boost I needed.

Maraming, maraming salamat. Sinong mag-aakala na ang isang tulad kong walang bilib sa sarili ay makakapasa sa board exam? Ngayon, mas paninindigan ko na ang lagi kong sinasabi sa iba na nangangailangan din ng moral boost — tiwala lungs!

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Sa galit bang nararamdaman ko? O sa kalungkutang bumabalot sa pagkatao ko?

Iniba ko ang paligid, sa pagbabaka-sakaling mag-iiba din ang aking damdamin.  Ginawa kong muli ang mga bagay na dating nagpapasaya sa akin…  Pero bakit ganun?  Wala na ang sayang hatid nila.

Di ko alam kung anong gagawin ko.  Ilalabas ko ba yung galit ko?  Muli ko bang ihahanda ang sarili ko?  Nalalapit na ang pagpupuyos ng damdamin, ang pagsabog upang muli akong makahinga.

Dahil sa ngayon, hindi ko alam kung saan ako lulugar…  Di ko alam kung pagbibigyan ko bang makawala ang naipong damdamin nagpipilit kumawala.

Alam naming wala ka nang balak uwian kami ngayong Pasko. Ramdam naman namin na kasama ka man namin ngayon physically, wala sa amin ang puso’t isipan mo.

Paano nga ba tayo umabot sa ganito? Tanda ko nung bata kami, lahat tayo nagsisimba pag Linggo, minsan nga’y nagsi-Simbang Gabi pa tayong pamilya. Pero ngayon, maswerte na kung makapag-sabay-sabay tayong kumain.

Taun-taon, umuuwi ka galling Saudi. Ilang taon na rin simula nung una kang umalis dahil kailangang tustusan mo yung humabol na bunsong kapatid namin… Walong taon na sya ngayon, lumalaking wala ka sa tabi nya.

Itong taon na to, malayo na ang loob naming mga nakatatandang anak mo sa iyo. Kung bakit nagka-ganun, hindi ko sigurado. Nung isang gabi lang, sinabi mo kay Mama na huling taon mo na ito sa amin. Na magpapadala ka na lang ng sapat sa gastusin sa bahay at para sa bunso. Sabi mo, panahon na para isipin mo ang sarili mo.

Oo nga, panahon na para isipin mo ang sarili mo. Lalo na ngayon na merong ibang babaeng nakakapagpasaya kayo.

Hindi kami tanga. Nababasa naming ang mga post ninyo sa Facebook. Ang tawagan ninyong “mahal ko”, ang mga patagong text at tawag na ginagawa mo sa terrace.

Hindi kami tanga, lalong hindi kami manhid. Malayo man ang loob namin ngayon sa iyo, ikaw pa rin ang ama namin. Masakit pa rin para sa amin na unti-unti na naming nararamdaman ang napipintong pagkasira ng pamilya natin.

Alam namin na malaki ang kasalanan namin sayo. Sabi mo nga, wala kaming pagpapahalaga sa mga naipundar mo… na parang wala man lang kaming drive na mabago buhay namin… na karamihan, inia-asa pa rin namin sa iyo.

Pero Papa, naisip mo ba kung bakit kami umabot sa ganito? Natatandaan mo ba kung paano mo kami pagsalitaan? Kung paano mo iparamdam sa amin na anumang gawin namin ay hindi sapat… Minamaliit mo kami. Si Mama na wala na ngayong trabaho, ako at ang mga kapatid kong naging pabaya.

Hindi kami perpekto. Maraming pagkakataong nagpabaya kami. Pero sa tuwing sinisikap naming umahon, gumawa ng bagay na ika-aangat namin, pinapagsalitaan mo kami ng hindi maganda. Dumadating pa sa puntong iniiwasan ka namin dahil alam naming wala kang sasabihin sa amin kundi mura at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Gusto ko sanang sabihin sa iyo na bigyan mo pa sana ng isa pang chance ang pamilya natin… Na subukan nating ayusin… Subukan nating iayos yung pamilya, tutal meron pa kaming nakababatang kapatid. Pero sabi mo nga, bato ka na ngayon… Tapos na ang obligasyon mo sa amin, yung bunso na lang ang iintindihin mo.

Kaya eto, muli kaming gumagawa ng mga hakbang para baguhin ang mundo namin. Sana magawa namin nang tama. Dahil ikaw na sariling ama namin, ay nagawa na kaming sukuan at bumitaw.

Lahat ng alam ko, unti-unti nang nawawala.  Lahat ng tinangi ko, naubos at kinuha Niya agad.

Hanggang kailan ba bago ko maintindihan na tama na? Na hindi para sa akin ang anumang hangarin ko…

Mahigit isang taon na lang… Lampas isang taong paglalakad sa kawalan… Ilang buwan na lang ng pagtangis at pagpapanggap na masaya…

Tama, may katapusan ang lahat.

At ayoko mang aminin, hinahangad kong sana, iyon ay ngayon na.

Ang dami kong dapat gawin…  Kailangang isa-isahin.

Madami na pala akong naisantabi. Maraming binitiwan. Maraming iniwan.

Ngayong taon, magagawa ko ba ang dapat?

gusto kong maglaho, mawala.
gusto kong tumakas
gusto kong iwan lahat.
gusto kong maglaho, mawala
gusto kong umiwas
gusto kong mag iba ng landas.
gusto kong maglaho, mawala
gusto kong bawiin lahat
gusto kong kalimutan ka.

Isa akong bato.
Walang emosyon, walang pakiramdam.
Kaya kong manakit,
Pero di pwedeng masaktan.

Isa akong bato.
Naghihintay ng malakas na hangin.
Yung kaya akong dalhin..
Kaya akong tibagin.

Isa akong bato.
Nag-aabang ng malakas na ulan.
Nais na magpatangay
Sa agos ng tubig.