Posts Tagged ‘Jinxed’

It’s been years, I know… and I’ve been thinking a lot about you lately.

It’s been a decade… A decade of tears, of heartbreak and hating Christmas Eves.  I ought to forget… I need to move on.  Your mom even set me up with someone who sort of remind me a lot about you.

But still, the pain I felt when I lost you never lost it’s fire… It’s hidden deep within, brought to surface every time I get to hear your song, each time I look at the moon, and whenever I see a painting.

You’re still my only Knight and King.  I have yet to meet someone who can be like you.  I miss you, Nathan… and I’ll keep on missing you, your smile, you off-key singing, and how you hold my hand while you paint.

I’m still here, wishing you were beside me… 😦

My Curse

Posted: October 5, 2005 in About Me, Fiction and Non-Fiction
Tags: ,

i’ve always been afraid to love. and often, id tell them that i’m too afraid to get hurt… hell, whatta lie to cover something that started 6 years ago…

to start with, at that time, i’m with this guy. i’ll just call him roy (he’s the reason why i’m called raye… eheheh). he’s nice and sweet. and i wouldn’t mind telling you that well, i almost thought that he’d be the one… yep, the one. but a sudden twist came unexpectedly. he had an accident which took his life instantly. that’s dead bf #1, who died october 24..

then, almost 4 years ago, i had another guy… sweet, funny, serious when needed. he’s the only one my friends approve of… but then, he died. on another accident, with me. i know i wrote about him on one of my journals… the one titled “3 taon”. that’s his story. that’s for nathan… dead bf #2, dead on the 25th of december.

and as for dead bf #3, well, he died june 26th this year. and hey, another accident. he died on his way to meet me… his mom hated me coz dhie’s the only child she had. oh, she’s also a widow. so, she’s got no one left with her. how she hated me, blamed me for what happened to her son…

at the office, i told my colleagues to call me jynx. that’s the way i felt back then. i’m jinxed… i even thought that i was cursed. maybe i am. maybe not. but then, who am i to know? ayt?

as days fly by quickly, i know i’d be in their tombs… on the date of their death, talking to them, as if they’re still beside me…

Anibersaryo

Posted: December 26, 2004 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: , ,

ang liwanag ng buwan, di ba? at ang langit, punong-puno ng bituin… agad kong hinanap ‘yung polaris… yung bituin natin. pakiramdam ko tuloy, nandun akong muli sa unang gabing kasama kita dito sa lugar natin…

gaya noon, maliwanag din ang langit. bilog ang buwan at ang daming bituin. sinubukan nating bilangin ang mga yun… at para di tayo malito, iginuhit mo pa ang langit. minamarkahan mo yun sa bawat bituin makita natin…

natatandaan ko noon, kandila lang ang ilaw natin. sabi mo, nakaka-relax ang mga scented candles… kaya hindi ito pwedeng mawala pag magkasama tayo… parang kulang ang mundo natin pag wala ang init at liwanag na mula sa knaila.

ang sayang alalahanin ng nakaraan no? matagal-tagal na rin eh… matagal-tagal ka na ring hindi sumusulat sa akin… tatlong taon na simula ng matanggap ko ang huling sulat mo…

ngayon, nandito akong muli sa lugar natin. inayos kong lahat. sinigurado kong kumpleto ang dala ko.. kumot, pagkaing gusto mo, mga kandila… at ang ilang sulat ko para sa’yo..

pagkatapos kumain ay iginuhit ko ang langit.. iginuhit ko ito sa paraang gusto mo… sa paraan kung paano mo ito iguhit… kaunti na lang, magagawa ko na rin ito ng maayos. ilang taon na lang, maiguguhit ko na ang langit ng tulad sa gawa mo…

may mga sulat pala ako pa sa’yo. gusto kong basahin mo lahat… medyo mahaba at madami, pero alam kong babasahin mong lahat ito at iintindihin…

‘wag kang mag-alala… malayo ka man sa akin, alam kong mababasa mo ang mga sulat kong para sa’yo. ayan… sinusunog ko na ang huli. itinuro mo ito sa akin, di ba? sabi mo, kapag malayo ang padadalhan ko ng sulat, sunugin ko na lang ito…

tapos ko ng sunugin ang mga sulat ko para sa’yo… ang usok ang siyang mgahahatid ng mensahe ko… natanggap mo na ba? nabasa mo na ba??? sana narating ng mga usok na yun ang langit na kinalalagyan mo…

oo nga pala, happy 3rd anniversary… hihintayin ko ang sagot mo…

sa panaginip ko…

Tatlong Taon

Posted: December 23, 2004 in Filipino (Tagalog) Posts
Tags: , ,

nandito akong muli sa lugar natin… alam mo, wala itong ipinagbago. ganun pa rin ang paligid. tahimik… maaliwalas… at higit sa lahat… andun pa rin yung mga palatandaang iniwan natin.

natatandaan mo ba nung unang punta natin dito? muntik na kong mahulog nun dahil nadulas ako. buti na lang, mabilis ka. nahawakan mo ko at hinila pataas. kahit yakap mo na ako, matindi pa rin ang kaba ko. malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. sabi mo pa nga, kulang na lang eh umiyak ako. hindi ko kasi magawang kalmahin ang sarili ko eh…

naaalala mo rin ba yung unang gabi nating dalawa? dun din tayo, di ba? sinorpresa mo pa nga ako eh… dahil sa takot, maingat kong inakyat yung lugar natin. at pagdating sa taas, bumungad sa akin yung nilatag mong kumot, mga pagkaing gusto ko… mga kandila at tulips… inaya mo kong kumain. at pagkakain, magkatabi tayong nahiga.

alam mo, hindi ko makakalimutan yung gabing yun. andun tayo sa bubong ng bahay nyo… magkatabi… at parang mga batang naglalaro sa liwanag ng buwan. tinuro mo sa akin ang polaris… ang orion… itinuro mo rin sa akin yung iba pang constellations na nakikita sa langit…

sa lugar na ito, marami akong natutunan… dito din tayo nagbitaw ng pangako sa isa’t isa. di ko makakalimutan yun… hanggang ngayon kasi, tumutupad pa rin ako sa mga pangako ko sa’yo… kaya lang…

bakit mo ko iniwan? bakit mo kinalimutan yung pangako mo? bakit ka umalis? bakit hindi mo ko hinintay?

alam kong masaya ka na ngayon. naiinis ako kasi pakiramdam ko, hindi mo man lang ako inisip… hindi mo ba alam na nasaktan ako sa pag-alis mo? alam mo bang hanggang ngayon, nananatili ako sa kahapon? hindi ko magawang harapin ang bukas dahil alipin pa rin ako ng nakalipas. wala akong magawa kundi ang alalahanin ka… ang isipin ka… ang balik-balikan ang lugar natin…

tatlong taon na ang lumipas… ikaw pa rin ang gusto kong makasama. magpapasko na. anibersaryo na naman… magta-tatlong taon na simula ng iwan mo ako… ikatlong pasko ko na ‘tong wala ka sa tabi ko… tatlong taon na simula ng kunin ka ng Diyos sa akin… sa araw mismo ng pasko…

It’s all the same… the three, the lights, the decorations… Even the yuletide carols sung by the children are the same. The tune of a sad Christmas song filled my room… It’s ironic that I get to hear that song now. On this time of the year… it’s Christmas… Why be sad?

Then I remembered… I can’t be in glee with the whole world. How am I supposed to be happy when sadness fills my heart?

I stood up and opened the bottom drawer of my closet. There, I found the box containing my mementos and letters… lots of letter… I skimmed through them and a clover leaf fell. I picked it up and stared at it… it had withered.

Tears ran down my cheeks. They fell on the pile of letters… letters from him… with them is a beautifully crafted image of a phoenix, the legendary bird of fire… I kissed the phoenix as I reminisced on the day he gave that to me… on the 25th day of December.

It was almost a year ago but the scene is still vivid in my memory. This Christmas is different. I received nothing from him… he didn’t promise that he’d stay… like he used to do every Christmas…

This Christmas, he left…